Bea Admits Undergoing Cosmetic Procedure

Sobrang proud si Bea Alonzo sa kanyang bagong figure dahil sa pinaghirapan niya ito. Sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan ay nabawasan siya ng 15 lbs. Bukod sa hindi siya kumakain ng kanin o carbohydrates, nag-intensify rin ang actress ng physical activities gaya ng paga-attend ng yoga classes at mage-enroll pa nga siya sa dance classes.

Sa nakaraang mini-pocket press conference para sa upcoming movie ng former “I Love Betty La Fea” star na ang “And I Love You So,” tinanong siya kung pabor ba siya sa “thank you doc” o resorting to medical process para pumayat.

“If makakatulong sa personality mo, why not?” sang-ayon ni Alonzo.

Kung ito raw ay makapagpapaangat ng self-confidence ay pabor siya rito.

“­­Kanya-kanya ‘yan. But kung nakukuha naman sa diet it’s better kung natural way,” dagdag pa niya.

Kahit si Alonzo ay umamin na sumailalim siya sa non-surgical procedure upang pumayat ang kanyang braso. Sa “The Buzz” noong June 21, sinabi niya na bukod sa strict diet, ay tinulungan siya ng isang kilalang beauty and medical clinic na mabawasan ang laki ng kanyang mga braso.

Binanggit niya ang Tenor, isang skin tightening treatment na hindi kinakailangan ng operasyon at gumagamit lamang ng radio frequency upang tunawin ang taba sa parte ng katawan.

Sa mga kaibigan niya at kapwa-artista, si Angelica Panganiban ang ginagawang ehemplo ni Alonzo.

“Ang goal ko eight years din akong hindi magra-rice, kagaya ni Angelica (Panganiban). Si Angelica eight years daw siyang hindi nag-rice kaya siya pumayat,” ani Alonzo.

Tatlo o apat na buwan na umanong hindi na kumakain ng kanin si Alonzo na kanyang sinimulan nang patapos na ang “I Love Betty La Fea.”

Malaki rin ang naitulong ng pagpayat ni Alonzo sa kanyang pagkatao. Pag-amin niya, mas tumaas ang kumpiyansa niya sa sarili at dahil walang love life, sa sarili na lamang niya ibinubuhos ang atensyon.

“In love ako sa sarili ko ngayon. Mas love ko na ‘yung sarili ko at pinagtutuunan ko ng pansin. Nakakapagpa-spa na ulit ako every week. Nakakapagpa-salon na ko,” dagdag ng dalaga.

Samantala, umaasa siya na bukod sa kanyang pagpapaseksi sa “And I Love You So” ay magugustuhan ng mga manonood ang ganda ng kuwento nito.

Makakasama niya rito si Derek Ramsay at Sam Milby at ipapalabas sa Agosto.

Source: http://ph.yahoo.com

Related Posts by Categories



0 comments:

Post a Comment